Islam at Kristiyanismo
Nagkakaiba ang gawi
at pamumuhay ng mga Asyano dahil sa pagkakaiba ng kanilang pananalig.
Ang pananalig na ito ang nagbibigay sa mga asyanong ideya kong paano sila namumuhay. Ito
rin ang nagsisilbing gabay nila sa pagbuo ng kani-kanilang gawi at tradisyon.
Islam --- ang pagpapakumbaba at pagpapasakop. ito ay itinatag ni Muhammad sa Medina na ngayon ay Iraq.
--- (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propetang Islam.
--- (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propetang Islam.
- Koran-banal na aklat ng mga Muslim.
- Hegira-si Muhammad ay lumikas mula Mecca patungong Medina.
- Ulama-kilalang mga guro na nag-aaral ng mga salita at pagaral ni Muhammad.
- Mosque-bahay panalanginan.
- Jihad-holy war.
- Muhammad-propeta ng Diyos na nagpasimula ng Islam, pinakaunang Muslim.
- Five Pillars-napapalob dito ang mga gawi,tradisyon,pagpapahalaga at batas Islamaic ng pamayanan.
- Ulama-kilalang mga guro na nag-aaral ng mga salita at pangangaral ni Muhammad.
- "Night of Power"-o "Gabi ng Kapangyarihan". Ito ang pinaniniwalaan ng mga Muslim na gabi nang kausapin ni Angel Gabriel si Muhammad.
- Pananalig-Ang bawat nilalang na nagnanais maging Muslim ay kinakailangang magpahayag ng kanyang pananalig na "walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad lamang ang Propeta".
- Pananalangin-Ang isang Muslim ay kinakailangang manalangin ng limang ulit sa loob ng isang araw. Muezzin ang taguri sa tagapahayag ng mga Muslim sa oras ng pananalangin.
- Paglilimos-Ang bawat Muslim ay inaasahang magkaloob ng bahagi ng kanyang kita o kayamanan sa mga mahihirap.
- Pag-aayuno-Ang bawat Muslim ay kinakailangang mag-ayuno sa buong buwan ng Ramadan.
- Paglalakbay-Isnaasahang makagawa ng isang banal na paglalakbay ang isang Muslim sa Mecca minsan man lang sa tana ng kanyang buhay. sa paglalakbay na ito, ang bawat Muslim ay kinakailangang umikot ng pitong ulit sa paligid ng Ka'aba, ang itinuturing nilang bahay panlanginan ng mga Muslim. ito ay nagtatapos sa pagtayo ng mga Muslim sa Arafat, kung saan pinaniniwalaang nagbibigay ng kanyang huling pangaral si Muhammad. sa pook na ito humihiling ng kapatawaran sa kanilang pagkakasala ang mga Muslim.
Si Muhammad ang nagtatag ng Islam at
tinuturing ng mga Muslim bilang isang
sugo(messenger) at propeta ng Diyos ( Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa
magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing
ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong(uncorrupted) orihinal na monteistikong pananampalataya (islām) ni Adan, Noe, Abraham, Moises, Hesus at iba pang mga propeta.
Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa
siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay naulila
sa batang edad at pinalaki ng kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay kalaunang
nagtrabaho bilang isang mangangalakal gayundin din bilang isang pastol at unang
nakapag-asawa sa edad na 25. Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay, siya ay
tumungo sa isang kweba sa mga paligid na kabundukan upang magnilay nilay. Ayon
sa mga paniniwalang Islamiko, dito sa lugar na ito sa edad na 40 sa buwan ng Ramadan nang kanyang matanggap
ang unang pahayag mula sa diyos. Pagkatapos ng
tatlong taon pagkatapos ng pangyayaring ito, kanyang sinimulang ipangaral ng
publiko ang mga pahayag na ito na naghayayag na "ang diyos ay isa",
ang kumpletong pagsuko dito(islam) ang tanging paraang katanggap tanggap sa
diyos at siya ay isang propeta at sugo ng diyos tulad ng ibang mga propetang
Islamiko. Siya ay nagkamit ng ilang mga tagasunod sa simula ngunit nakatagpo ng
pagsalungat mula sa ilang mga tribo sa Mecca. Upang makatakas
sa pag-uusig, si Muhammad ay nagpadala ng ilang mga tagasunod nito sa Abyssinia
bago siya at ang kanyang mga natitirang tagasunod sa Mecca ay lumipat sa Medina(na
kilala sa panahong ito bilang Yathrib) noong taong 622 CE. Ang pangyayaring ito
na tinatawag na Hijra ang naghudyat ng
pasimula ng kalendaryong Islamiko na kilala rin bilang Kalendaryong Hijri. Sa Medina, pinag-isa ni
Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga
tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod na lumago na sa panahong ito sa mga
10,000 ay sumakop sa Mecca. Winasak ni Muhammad ang mga simbolo ng paganismo sa Mecca at ipinadala
ang kanyang mga tagasunod upang wasakin ang lahat mga natitirang templong
pagano sa buong Silanganing Arabia. Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng
pagbalik nito sa Medina mula sa kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa panahon ng kanyang
katamayan, ang karamihan sa Arabian
Peninsula ay naakay
sa Islam at kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa isang relihiyosong
Muslim na politiya. Ang mga pahayag(o
Ayah) na literal na nangangahulugang "mga tanda [ng diyos]" na
iniulat ni Muhammad na kanyang natanggap hanggang sa kanyang kamatayan ay
bumubuo ng mga bersikulo o talata ng Qur'an at itinuturing ng mga
Muslim bilang "salita ng diyos" at batayan ng relihiyong Islam. Bukod
sa Qur'an, ang buhay ni
Muhammad at mga tradisyon(sunnah) ay pinanghahawakan din ng mga Muslim. Ang
kanyang mga ginawa ay binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban sa loob ng
mga siglo.
Kristiyanismo-ang Kristiyanismo ang pinakamalaking relihiyon sa daigdig na binubuo ng may 1.9 bilyong tagasunod. Ang relihiyong ito ay nababatay sa buhay at pangangaral ni Hesukristo.
- Monotheist-naniniwala sa isang Diyos lamang.
- Palestine-kinikilalang banal na lupain ng mga Kristiyanismo.
- Jerusalem-sentrong banal napaglalakbay.
- Palm Sunday-araw ng palaspas, na gawa sa dahon ng Palma ang hudyat ng pagsisimulang Banal na Linngo sa Kalendaryong mga Kristiyano.
- Krus-simbolo ng pagmamahal ni HesuKristo sa sangkatauhan.

Kasaysayan
Isipin:
Ang pinaniniwalaan (ng mga Kristiyano)
na tagapagtatag ng Kristiyanismo na si Hesus ay pinaniwalaang
ipinanganak sa Romanong Judea sa pagitan ng 7 BCE at 2 CE. Ang Kristiyanismo ay nagsimulang
kumalat mula sa Herusalem tungo sa mga lugar gaya ng Syria, Assyria,
Mesopotamia, Phoenicia, Asia Minor, Jordan at Ehipto. Ang Kristiyanismo ay
ginawang opisyal na relihiyon ng estado ng Armenia noong 301 CE, Georgia noong 319 CE, Imperyong
Aksumnite noong 325
CE at ng imperyo Romano noong 380 CE. Ang mga
kondisyon sa imperyo Romano ay nagpadali sa
pagkalat ng mga bagong ideya. Ang mga mahuhusay na lansangan at mga daanang
pantubig ay pumayag sa madaling paglalakbay samantalang ang Pax Romana ay gumawa sa paglalakbay mula sa isang rehiyon tungo sa isa
pa na ligtas. Ang mga sinaunang Kristiyano ay nakaakay ng mga pamayanang Hudyo sa buong Dagat
Meditteraneo. Bagaman
ang karamihan ng mga naakay sa Kristiyanismo ay mula sa Imperyo Romano, ang mga
kilalang pamayanang Kristiyano ay itinatag rin sa Armenia, Iran at sa kahabaan ng Baybaying
Malabar. Ang bagong relihiyon na Kristiyanismo ay
pinakamatagumpay sa mga lugar na urbano at kumalat muna sa mga alipin at mga tao na may
mabababang mga katayuan sa lipunan.
Isipin:
Paano nakakaapekto ang relihiyon sa isang lipunan?
Reference:
- Kayamanan (Kasaysayan ng Asya) Bagpng Edisyon II nina: Eleanor D. Antonio, Maria Carmelita B. Samson, Evangeline M. Dalio, Consuelo M. Imperial at Celia D. Soriano
- Kasaysan ng Mundo III ni Bro. Andrew Gonzales, FCS , Cristina R. Velez at Elyria C. Bernardino
- http://tl.wikipedia.org/wiki/Islam
- http://tl.wikipedia.org/wiki/Kristiyanismo
- http://moro.arabblogs.com/tagalog13.htm